Bachelor of Secondary Education major in Filipino
Ang Pagbadbad sang istorya nahanungod sa away sa Balisong
Ang, Clint B.; Bereber, Brix Andrew B.; Bernardez, Nomel C.
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay makalikom ng detalye sa mamamayan ng Pilar, Capiz hinggil sa kuwento ng labanan sa burol ng Balisong. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kwalitatibong pagsusuri. Gumawa ang mga mananaliksik ng interbyu iskedyul na binubuo ng pitong katanungan patungkol sa naganap na labanan sa Balisong Hills. Gumawa rin ang mga mananaliksik ng liham-pahintulot sa mamamayan at kawani ng munisipalidad ng Pilar. Pumunta ang mga mananaliksik sa Balisong Hill upang makita kung saan naganap ang digmaan. Ang kuwento sa likod ng labanan sa Balisong ay nakapagbigay ng maraming dahilan upang patuloy na mabuhay ang mga Pilarenos. Ang kuwentong nalikom buhat sa piling mamamayan ay napag-isa at naiugnay. Ang pagsasalaysay ng mga tagatugon ay inirekord, itrinanskrayb at iwinasto ng mga mananaliksik. Ang interpretasyon ay agad na isinunod upang makabuo ng kongklusyon at rekomendasyon. Karamihan sa mga tagatugon ay nakapagsalaysay ng iisang daloy ng kuwento. Ang kuwento ay nakapagdulot ng mga impolikasyon sa kanilang paniniwala, tradisyon, turismo, at pag-uugali. Nabatid ng mga mananaliksik na nagkaroon ng isang paniniwala ang mga Pilarenos na kaya nilang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang isang tao na sila ay hindi magpapaalipin sa kahit sinumang makapangyarihan pagkatapos ng labanan sa burol ng Balisong. Dahil sa naganap na labanan sa burol ng Balisong ay umusbong ang isang tradisyon ng mga mamamayan ng Pilar at ito ay kanilang isinasagawa sa tuwing buwan ng Mayo, ang pagsasadula ng “TheBattle of Balisong” na kung saan ginugunita nila ang kabayanihan, katapangan at kadakilaan ng mga rebolusyonaruong Pilareno na siyang nakipaglaban at nagbuwis ng buhay mabawi lamang ang kanilang kalayaan. Naging mabango ang pangalan ng bayan ng Pilar dahil sa naganap na labanan, maraming mga dayo ang pumupunta rito upang makita at mapuntahan ang burol na kung saan naganap ang labananan sa gitna ng mga rebolusyonaryong Pilareno at mga suldadong kastila, dinarayo rin ang kanilang pagsasadula o re-enactment ng pangyayari sa burol ng Balisong upang makita at masaksihan ang nasabing pagsasadula. Nabatid din ng mga mananaliksik na ang makabuluhang pangyayaring ito ay pinapahalagahan at patuloy na binibigyang pansin ng mga mamamayan ng Pilar sa pamamagitan ng pagsasadula tungkol sa naganap na labanan na kung saan sa pamamagitan nito ay patuloy na nabubuhay ang kabayanihan at kadakilaang ginawa ng mga rebolusyonaryo ng Pilar, layunin din ng pagsasadulang ito na ipabatid sa mga mamamayan ng Pilar na ito ay kailangang pahalagahan sapagkat ito ang kanilang pagkakakilanlan.
Abstract only
Guhit ng palad at binalasang baraha: diskursong gamit sa pagsipat ng kapalaran
Baltar, Neil B.; Espeña, Aldren B.; Ortencio, John Lhemar N.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa unang distrito ng Capiz mula Disyembre 2018 hanggang Pebrero 2019, sa layuning malaman ang mga uri ng diskursong ginamit, at upang mabatid ang pinakagamiting diskurso ng mga manghuhula sa pagsipat ng kapalaran. Nilayon ding malaman ang kahalagahan ng pagsipat ng kapalaran ng mga nagpahula, mga kahulugan ng guhit ng palad, mga sinisimbolong imahe ng baraha at terminilohiyang gamit ng manghuhula. Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay pawang manghuhula sa unang distrito ng Capiz at mga taong nagpahula. Ang isinagawang pag-aaral ay isang kwalitatibong pananaliksik na gumamit ng sariling gawang gabay na katanungan sa panayam. Ito ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay interpretasyon sa mga datos na nakalap. Ang mga datos na sinuri ay hango sa pakikipanayam sa mga tagatugon. Naniwala ang mga mananaliksik na angkop ang klase ng disenyong ito para sa paksa ng pag-aaral, dahil sa paraang ito ay nakakalap ng angkop na impormasyon na kinailangan upang masagutan ang mga katanungan sa pag aaral. Sa isinagawang pag-aaral, nabatid ng mga mananaliksik na ang diskursong kalimitang ginagamit ng mga manghuhula sa pagsipat ng kapalaran ay paglalarawan (descriptive), pagsasalaysay (narrative), pagbibigay impormasyon (informative), at pagtatanong. Ang ganitong mga diskurso ay mas epektibong paraan para sa manghuhula at nagpapahula para mas madaling maunawaan, at maging makulay ang daloy ng komunikasyon, subalit xv ang hindi masyadong ginagamit ay ang panghihikayat sapagkat hindi naman nanghihikayat ang mga manghuhula na sila ay paniwalaan, nasa tao naman ito kung paniniwalaan nila ang sinasabi ng manghuhula. Napag-alaman din ang kahalagahan ng pasipat ng kapalaran ayon sa mga nagpapahula ay nagsisilbi itong gabay upang maging handa sa mga bagay na maaaring mangyari at panghuli ang mga kahulugan ng mga guhit ng palad at sinisimbulong imahe ng baraha ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng mga manghuhula sa kanilang kaalaman, pakikipag-interaksiyon sa ibang tao at sa pinagaralan, gayundin sa mga terminolohiyang ginamit.
Abstract only