Show simple item record

dc.contributor.advisorAvila, Ricaflor R.
dc.contributor.authorAng, Clint B.
dc.contributor.authorBereber, Brix Andrew B.
dc.contributor.authorBernardez, Nomel C.
dc.date.accessioned2024-03-25T02:54:32Z
dc.date.available2024-03-25T02:54:32Z
dc.date.issued2019-04
dc.identifier.citationAng, C.B., Bereber, B.A.B., & Bernardez, N.C. (2019). Ang Pagbadbad sang istorya nahanungod sa away sa Balisong [Undergraduate thesis, Capiz State University Pontevedra Campus]. CAPSU Institutional Repository.en
dc.identifier.urihttps://repository.capsu.edu.ph/handle/123456789/221
dc.descriptionAbstract onlyen
dc.description.abstractAng pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay makalikom ng detalye sa mamamayan ng Pilar, Capiz hinggil sa kuwento ng labanan sa burol ng Balisong. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kwalitatibong pagsusuri. Gumawa ang mga mananaliksik ng interbyu iskedyul na binubuo ng pitong katanungan patungkol sa naganap na labanan sa Balisong Hills. Gumawa rin ang mga mananaliksik ng liham-pahintulot sa mamamayan at kawani ng munisipalidad ng Pilar. Pumunta ang mga mananaliksik sa Balisong Hill upang makita kung saan naganap ang digmaan. Ang kuwento sa likod ng labanan sa Balisong ay nakapagbigay ng maraming dahilan upang patuloy na mabuhay ang mga Pilarenos. Ang kuwentong nalikom buhat sa piling mamamayan ay napag-isa at naiugnay. Ang pagsasalaysay ng mga tagatugon ay inirekord, itrinanskrayb at iwinasto ng mga mananaliksik. Ang interpretasyon ay agad na isinunod upang makabuo ng kongklusyon at rekomendasyon. Karamihan sa mga tagatugon ay nakapagsalaysay ng iisang daloy ng kuwento. Ang kuwento ay nakapagdulot ng mga impolikasyon sa kanilang paniniwala, tradisyon, turismo, at pag-uugali. Nabatid ng mga mananaliksik na nagkaroon ng isang paniniwala ang mga Pilarenos na kaya nilang ipaglaban ang kanilang karapatan bilang isang tao na sila ay hindi magpapaalipin sa kahit sinumang makapangyarihan pagkatapos ng labanan sa burol ng Balisong. Dahil sa naganap na labanan sa burol ng Balisong ay umusbong ang isang tradisyon ng mga mamamayan ng Pilar at ito ay kanilang isinasagawa sa tuwing buwan ng Mayo, ang pagsasadula ng “TheBattle of Balisong” na kung saan ginugunita nila ang kabayanihan, katapangan at kadakilaan ng mga rebolusyonaruong Pilareno na siyang nakipaglaban at nagbuwis ng buhay mabawi lamang ang kanilang kalayaan. Naging mabango ang pangalan ng bayan ng Pilar dahil sa naganap na labanan, maraming mga dayo ang pumupunta rito upang makita at mapuntahan ang burol na kung saan naganap ang labananan sa gitna ng mga rebolusyonaryong Pilareno at mga suldadong kastila, dinarayo rin ang kanilang pagsasadula o re-enactment ng pangyayari sa burol ng Balisong upang makita at masaksihan ang nasabing pagsasadula. Nabatid din ng mga mananaliksik na ang makabuluhang pangyayaring ito ay pinapahalagahan at patuloy na binibigyang pansin ng mga mamamayan ng Pilar sa pamamagitan ng pagsasadula tungkol sa naganap na labanan na kung saan sa pamamagitan nito ay patuloy na nabubuhay ang kabayanihan at kadakilaang ginawa ng mga rebolusyonaryo ng Pilar, layunin din ng pagsasadulang ito na ipabatid sa mga mamamayan ng Pilar na ito ay kailangang pahalagahan sapagkat ito ang kanilang pagkakakilanlan.en
dc.language.isofilen
dc.publisherPontevedra Campus, Capiz State Universityen
dc.subjectBalisongen
dc.subjectBattle of Balisongen
dc.titleAng Pagbadbad sang istorya nahanungod sa away sa Balisongen
dc.typeThesisen
thesis.degree.disciplineFilipinoen
thesis.degree.grantorCapiz State University Pontevedra Campusen
thesis.degree.levelUndergraduateen
thesis.degree.nameBachelor of Secondary Educationen
thesis.degree.departmentCollege of Education, Arts and Sciencesen


Files in this item

Thumbnail

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record