Show simple item record

dc.contributor.advisorAvila, Ricaflor R.
dc.contributor.authorBaltar, Neil B.
dc.contributor.authorEspeña, Aldren B.
dc.contributor.authorOrtencio, John Lhemar N.
dc.date.accessioned2024-03-25T02:49:40Z
dc.date.available2024-03-25T02:49:40Z
dc.date.issued2019-04
dc.identifier.citationBaltar, N.B., Espeña, A.B., & Ortencio, J.L.N. (2019). Guhit ng palad at binalasang baraha: diskursong gamit sa pagsipat ng kapalaran [Undergraduate thesis, Capiz State University Pontevedra Campus]. CAPSU Institutional Repository.en
dc.identifier.urihttps://repository.capsu.edu.ph/handle/123456789/220
dc.descriptionAbstract onlyen
dc.description.abstractAng pag-aaral na ito ay isinagawa sa unang distrito ng Capiz mula Disyembre 2018 hanggang Pebrero 2019, sa layuning malaman ang mga uri ng diskursong ginamit, at upang mabatid ang pinakagamiting diskurso ng mga manghuhula sa pagsipat ng kapalaran. Nilayon ding malaman ang kahalagahan ng pagsipat ng kapalaran ng mga nagpahula, mga kahulugan ng guhit ng palad, mga sinisimbolong imahe ng baraha at terminilohiyang gamit ng manghuhula. Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay pawang manghuhula sa unang distrito ng Capiz at mga taong nagpahula. Ang isinagawang pag-aaral ay isang kwalitatibong pananaliksik na gumamit ng sariling gawang gabay na katanungan sa panayam. Ito ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay interpretasyon sa mga datos na nakalap. Ang mga datos na sinuri ay hango sa pakikipanayam sa mga tagatugon. Naniwala ang mga mananaliksik na angkop ang klase ng disenyong ito para sa paksa ng pag-aaral, dahil sa paraang ito ay nakakalap ng angkop na impormasyon na kinailangan upang masagutan ang mga katanungan sa pag aaral. Sa isinagawang pag-aaral, nabatid ng mga mananaliksik na ang diskursong kalimitang ginagamit ng mga manghuhula sa pagsipat ng kapalaran ay paglalarawan (descriptive), pagsasalaysay (narrative), pagbibigay impormasyon (informative), at pagtatanong. Ang ganitong mga diskurso ay mas epektibong paraan para sa manghuhula at nagpapahula para mas madaling maunawaan, at maging makulay ang daloy ng komunikasyon, subalit xv ang hindi masyadong ginagamit ay ang panghihikayat sapagkat hindi naman nanghihikayat ang mga manghuhula na sila ay paniwalaan, nasa tao naman ito kung paniniwalaan nila ang sinasabi ng manghuhula. Napag-alaman din ang kahalagahan ng pasipat ng kapalaran ayon sa mga nagpapahula ay nagsisilbi itong gabay upang maging handa sa mga bagay na maaaring mangyari at panghuli ang mga kahulugan ng mga guhit ng palad at sinisimbulong imahe ng baraha ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng mga manghuhula sa kanilang kaalaman, pakikipag-interaksiyon sa ibang tao at sa pinagaralan, gayundin sa mga terminolohiyang ginamit.en
dc.language.isofilen
dc.publisherPontevedra Campus, Capiz State Universityen
dc.subjectUri ng diskursoen
dc.subjectManghuhulaen
dc.subjectGuhit ng paladen
dc.subjectSinisimbolo ng barahaen
dc.subjectPanghuhulaen
dc.titleGuhit ng palad at binalasang baraha: diskursong gamit sa pagsipat ng kapalaranen
dc.typeThesisen
thesis.degree.disciplineFilipinoen
thesis.degree.grantorCapiz State University Pontevedra Campusen
thesis.degree.levelUndergraduateen
thesis.degree.nameBachelor of Secondary Educationen
thesis.degree.departmentCollege of Education, Arts and Sciencesen


Files in this item

Thumbnail

This item appears in the following Collection(s)

Show simple item record