HANDURAWCAPSU INSTITUTIONAL REPOSITORY
    • Login
    View Item 
    •   Handuraw Home
    • 01. CAPSU Electronic Theses and Dissertations
    • Undergraduate Theses
    • View Item
    •   Handuraw Home
    • 01. CAPSU Electronic Theses and Dissertations
    • Undergraduate Theses
    • View Item
    JavaScript is disabled for your browser. Some features of this site may not work without it.

    Guhit ng palad at binalasang baraha: diskursong gamit sa pagsipat ng kapalaran

    Thumbnail
    View/Open
    CAPSU-PO-COEAS-UT-2019-BaltarNL-AB.docx.pdf (7.930Kb)
    Date
    2019-04
    Author
    Baltar, Neil B.
    Espeña, Aldren B.
    Ortencio, John Lhemar N.
    Thesis Adviser
    Avila, Ricaflor R.
    Metadata
    Show full item record
    Abstract
    Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa unang distrito ng Capiz mula Disyembre 2018 hanggang Pebrero 2019, sa layuning malaman ang mga uri ng diskursong ginamit, at upang mabatid ang pinakagamiting diskurso ng mga manghuhula sa pagsipat ng kapalaran. Nilayon ding malaman ang kahalagahan ng pagsipat ng kapalaran ng mga nagpahula, mga kahulugan ng guhit ng palad, mga sinisimbolong imahe ng baraha at terminilohiyang gamit ng manghuhula. Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay pawang manghuhula sa unang distrito ng Capiz at mga taong nagpahula. Ang isinagawang pag-aaral ay isang kwalitatibong pananaliksik na gumamit ng sariling gawang gabay na katanungan sa panayam. Ito ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay interpretasyon sa mga datos na nakalap. Ang mga datos na sinuri ay hango sa pakikipanayam sa mga tagatugon. Naniwala ang mga mananaliksik na angkop ang klase ng disenyong ito para sa paksa ng pag-aaral, dahil sa paraang ito ay nakakalap ng angkop na impormasyon na kinailangan upang masagutan ang mga katanungan sa pag aaral. Sa isinagawang pag-aaral, nabatid ng mga mananaliksik na ang diskursong kalimitang ginagamit ng mga manghuhula sa pagsipat ng kapalaran ay paglalarawan (descriptive), pagsasalaysay (narrative), pagbibigay impormasyon (informative), at pagtatanong. Ang ganitong mga diskurso ay mas epektibong paraan para sa manghuhula at nagpapahula para mas madaling maunawaan, at maging makulay ang daloy ng komunikasyon, subalit xv ang hindi masyadong ginagamit ay ang panghihikayat sapagkat hindi naman nanghihikayat ang mga manghuhula na sila ay paniwalaan, nasa tao naman ito kung paniniwalaan nila ang sinasabi ng manghuhula. Napag-alaman din ang kahalagahan ng pasipat ng kapalaran ayon sa mga nagpapahula ay nagsisilbi itong gabay upang maging handa sa mga bagay na maaaring mangyari at panghuli ang mga kahulugan ng mga guhit ng palad at sinisimbulong imahe ng baraha ay nakabatay sa pagpapakahulugan ng mga manghuhula sa kanilang kaalaman, pakikipag-interaksiyon sa ibang tao at sa pinagaralan, gayundin sa mga terminolohiyang ginamit.
    Description
    Abstract only
    Keywords
    Uri ng diskurso Manghuhula Guhit ng palad Sinisimbolo ng baraha Panghuhula
    URI
    https://repository.capsu.edu.ph/handle/123456789/220
    Recommended Citation
    Baltar, N.B., Espeña, A.B., & Ortencio, J.L.N. (2019). Guhit ng palad at binalasang baraha: diskursong gamit sa pagsipat ng kapalaran [Undergraduate thesis, Capiz State University Pontevedra Campus]. CAPSU Institutional Repository.
    Type
    Thesis
    Degree Discipline
    Filipino
    Degree Name
    Bachelor of Secondary Education
    Degree Level
    Undergraduate
    Department
    College of Education, Arts and Sciences
    Collections
    • Bachelor of Secondary Education major in Filipino [2]
    • Undergraduate Theses [459]

    © 2025 CAPSU
    Contact Us | Send Feedback
     

     

    Browse

    All of HandurawCommunities & CollectionsBy Issue DateAuthorsTitlesSubjectsThis CollectionBy Issue DateAuthorsTitlesSubjects

    My Account

    LoginRegister

    © 2025 CAPSU
    Contact Us | Send Feedback
     

     

    EXTERNAL LINKS DISCLAIMER

    This link is being provided as a convenience and for informational purposes only. Capiz State University bears no responsibility for the accuracy, legality or content of the external site or for that of subsequent links. Contact the external site for answers to questions regarding its content.

    If you come across any external links that don't work, we would be grateful if you could report them to the repository administrators.

    Click DOWNLOAD to open/view the file.

    Download