Kahandaan ng mga gurong-mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang-turo
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masuri at matukoy ang kahandaan ng mga gurong mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang turo. Isinagawa ito noong unang semestre sa taong panuruan 2022-2023. Kasama sa hinihinging impormayon ang medyor, kasarian, edad, tirahan at hanapbuhay ng mga magulang upang matukoy ang antas nga kahandaan ng mga gurong mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang turo at kung mayroon itong makabuluhang pagkakaiba sa kahandaan ng mga gurong mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang turo. Sa pananaliksik na ito, mayroong 89 na mga tagatugon mula sa populasyon nitong 112 na kinuha sa pamamagitan ng Sampling at Cochran's Formula naman ang ginamit sa pagtukoy kung ilan ang bilang ng mga tagatugon sa bawat medyor. Ang naging pangunahing instrumento sa pananaliksik na ito at sa pangangalap ng datos ay ang talatanungan na hinango sa pag-aaral nina Diaz, R. et al. (1999) at Dela Cruz R. et al. (2019) at pagkatapos ay ginawa ng mga mananaliksik at idinaan sa contract face validity at pagkatapos ay ipinasailalim sa pilot testing. Ang talatanungan ay binuo ng dalawang bahagi, ang unang bahagi ay binuo ng anim na bilang hinggil sa personal na datos ng nga tagatugon. At ang pangalawang bahagi naman ay binuo ng labinlimang bilang na mga katanungan na hinango at binago sa nasabing pag-aaral at personal na ginawa ng mga mananaliksik upang matukoy ang kahandaan ng mga gurong mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang turo. Ang mga datos at impormasyon na kinalap sa pananaliksik na ito ay idinaan sa computer proceed statistics katulad ng frequency count, percentage mean, standard deviation, t-test for independent samples, one-way ANOVA at alpha level na nakatakda sa 0.05. Ang resulta sy sinuri batay sa kalimitan, katampatang tuos at bahagdan nito. Matapos na masuri, at mabuo ang lahat ng mga datos sa pag-aaral na ito, natuklasan na ang antas ng kahandaan ng mga gurong mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang turo ay "lubhang napakahanda". Batay rin sa pagsusuri, natuklasan na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahandaan ng mga gurong mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang turo kapag sila ay pinangkat ayon sa tirahan, kasarian, hanapbuhay ng ama at hanapbuhay ng ina. Subalit natuklasan din na mayroong makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kahandaan ng mga gurong mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang turo kapag sila ay pinangkat batay sa medyor.
Recommended Citation
Dela Torre, J.G., De Pedro, G.A., Gardose, J.G., Lopez, V.L. & Patricio, L.G. (2023). Kahandaan ng mga gurong-mag-aaral sa pagsasagawa ng pakitang-turo [Undergraduate thesis, Capiz State University Burias Campus]. CAPSU Institutional Repository.
Type
ThesisDegree Discipline
FilipinoDegree Name
Bachelor of Secondary EducationDegree Level
UndergraduateDepartment
College of EducationCollections
- Undergraduate Theses [377]