Kabisaan sa pagtuturo sa Filipino ng mga gurong mag-aaral ng Capiz State University
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang tukuyin ang antas ng kabisaan sa pagtuturo sa Filipino ng mga gurong mag-aaral ng Capiz State University. Isinagawa ito noong ikalawang semestre ng taong panuruan 2018-2019. Kasama sa hinihinging impormasyon ang baitang, kasarian, edad, tirahan, edukasyong natamo ng mga magulang at hanapbuhay ng mga magulang upang malaman kung mayroon itong makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kabisaan sa pagtuturo sa Filipino ng mga gurong mag-aaral. Sa pananaliksik na ito, mayroong 213 na tagatugon mula sa populasyon nitong 456 na kinuha sa pamamagitan ng sampling. Ang naging pangunahing instrumento sa pangangalap ng mga datos ay isang talatanungan na binubuo ng tatlong bahagi: una ay tungkol sa personal na datos ng mga tagatugon, pangalawa ay limampung katanungan na personal na ginawa ng mga mananaliksik upang malaman ang antas ng kabisaan sa pagtuturo sa Filipino ng mga gurong mag-aaral at ang pangatlong bahagi ay tumutukoy sa paniniwala ng mga tagatugon tungkol sa kabisaan sa pagtuturo sa Filipino ng mga gurong mag-aaral. Ang resulta ay sinuri batay sa kalimitan, katampatangtuos at bahagdan nito. Sa pag-aanalisa ng mga datos, ginamit ang frequency count, percentage mean, standard deviation, T-test for independent samples, at One-way ANOVA naman ang ginamit sa inferential statistics kung saan ang antas ng kabuluhan ay itinakda sa 0.05. Matapos na masuri, malikom at mabuo ang mga datos, natuklasan na karamihan sa mga tagatugon ay nasa ika-9 na baitang, karamihan ay nasa edad 14-16 at karamihan ay babae na nakatira sa bayan. Pagdating namansa hanapbuhay ng mga magulang, makikita na karamihan ay may permanenteng hanapbuhay na halos lahat ay nakapagtapos ng kolehiyo. Batay sa pagsusuri ng mga nilikom na datos, natuklasan na “lubhang mabisa” ang antas ng kabisaan sa pagtuturo sa Filipino ng mga gurong mag-aaral. Batay din sa mga naging resulta ng mga nalikom na datos walang makabuluhang pagkakaiba ang kabisaan sa pagtuturo sa Filipino ng mga gurong mag-aaral kapag sila ay papangkatin ayon sa baitang, edad, tirahan, edukasyong natamo ng mga magulang at hanapbuhay ng ama. Samantala, mayroon naman itong makabuluhang pagkakaiba kapag ito ay pinangkat ayon kasarian at hanapbuhay ng ina.
Recommended Citation
Dela Cruz, R.L., Lejos, A.R., Maximo, J.L.. Ucag, E.C. & Zonio, G.L. (2019). Kabisaan sa pagtuturo sa Filipino ng mga gurong mag-aaral ng Capiz State University [Undergraduate thesis, Capiz State University Burias Campus]. CAPSU Institutional Repository.
Type
ThesisDegree Discipline
FilipinoDegree Name
Bachelor of Secondary EducationDegree Level
UndergraduateDepartment
College of EducationCollections
- Undergraduate Theses [371]