Bisa at kahalagahang pantao sa mga piling musikang Pilipino
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makilala at matukoy ang mga kabisaang taglay, kahalagahang pantao at pagkakaugnay ng tatlong piling musikang Pilipino. Ito ay ang mga sumusunod: a.) Anak ni Freddie Aguilar b.) Batang-bata Ka Pa ng Apo Hiking Society c.) Kabataan Para sa Kinabukasan ni Francis Magalona. Dokumentaryong pagsusuri (Documentary Analysis) ang ginamit sa pag-aaral na ito upang ilahad ang nilalaman ng tatlong musika. Batay sa pagsusuri at naipong datos, ang tatlong musikang Pilipino na nasuri ay may bisang taglay na bisa sa damdamin, bisa sa isip, bisa sa asal at bisa sa lipunan.
Ito rin ay nagtataglay ng kahalagahang pantaong: pag-ibig, mapamunang kaisipan, kalusugang pisikal, pansariling disiplina, katotohanan, pagmamalasakit sa kapwa, katapatan, moral, pangkabuhayan, pananalig sa Diyos at pananagutang panlipunan.
Ang mga bisang ito at kahalagahang pantao ay natukoy sa pamamagitan ng masusing paghimay-himay, pagbabasa at pangangalap ng mga impormasyon at pagsusuri sa mga liriko ng musika.
Keywords
Musikang Pilipino Kahalagahang PantaoSubject
Recommended Citation
Alcayde, J.C. Esticomen, J.O., Lacorte, K.A., Luna, R.B. & Vista, J.L. (2017). Bisa at kahalagahang pantao sa mga piling musikang Pilipino [Undergraduate thesis, Capiz State University Burias Campus]. CAPSU Institutional Repository.
Type
ThesisDegree Discipline
FilipinoDegree Name
Bachelor of Secondary Education Major in FilipinoDegree Level
UndergraduateDepartment
College of EducationCollections
- Undergraduate Theses [397]