Antas ng kaalaman sa tula ng mga mag-aaral ng Mambusao National High School
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa taong-pamunuan 2022-2023 sa Mambusao National High School upang matukoy ang antas ng kaalaman sa tula ng mag-aaral. Isang daan limampu’t siyam na mag-aaral sa kabuuan ang naging tagatugon sa isinagawang pag-aaral. Ang kagamitang ginamit sa pananaliksik na ito ay ang talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik na dinaan sa content, face validity at pilot testing. Kalakip nito ang mga katanungan kaugnay sa personal na datos ng mga tagatugon tulad ng kasarian, hanapbuhay ng ama at ina, edukasyong natamo ng ama at ina at koneksyon sa internet. Ang mga datos at kinakailangang impormasyon na kinalap sa pananaliksik na ito ay dumaan sa frequency count, percentage, mean at standard deviation. Ang mga natuklasan ng mga mananaliksik ay ‘‘mababa’’ ang naging resulta ng antas ng kaalaman sa tula ng mga mag-aaral, nagpapakita lamang ito na mababa ang kanilang kabatiran at kaalaman sa tula. Gayundin, batay sa resulta ng pag-aaral ang mayroong makabuluhang pagkakaiba lamang ay ang ayon sa hanapbuhay ng ama, nangangahulugan mayroong epekto ang pagkakaroon ng maayos o di maayos na trabaho ng ama. Pagdating naman sa kasarian, hanapbuhay ng ina, edukasyong natamo ng magulang at koneksyon at internet ay walang makabuluhang pagkakaiba, kung kaya’t nangangahulugang lamang ito na hindi nakakaapekto ang mga ito sa antas ng kaalaman sa tula ng mag-aaral.
Keywords
Antas ng Kaalaman Tula Kaalaman sa TulaRecommended Citation
Delgado, V.J.S., Maximo, R.N., Torreblanca, M.A.M. & Vasquez, Q.A. (2023). Antas ng kaalaman sa tula ng mga mag-aaral ng Mambusao National High School [Undergraduate thesis, Capiz State University Burias Campus]. CAPSU Institutional Repository.
Type
ThesisDegree Discipline
FilipinoDegree Name
Bachelor of Secondary Education Major in FilipinoDegree Level
UndergraduateDepartment
College of EducationCollections
- Undergraduate Theses [397]