Mga preperensya sa mga pangganyak ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong BSED-Filipino
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Pamantasang Estado ng Capiz (Burias Campus) Mambusao, Capiz sa taong panuruan 2015-2016. Sinaklaw nito ang kabuuang walumpu’t limang (85) mag-aaral na nag papakadalubhasa sa asignaturang Filipino. Layunin ng pag-aaral naito naalamin at tukuyin ang mga preperensya sa mga pangganyak ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong BSED-Filipino. Ang pangunahing kasangkapan o instrument sa pagbuo ng impormasyon o datos ay paggamit ng talatanungan. Sapag-aanalisa ng mga datos, ginamitang ranggo (rank), kalimitan (frequency), ang katumbas na bahagdan (percentage) at kagitna ang bilang (mean). Matapos na masuri, malikom at mabuo ang mga datos, natuklas ang karamihan sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa kolehiyo na nag papakadalubhasa sa Filipino sa Pamantasang Estado ng Capiz ay nasa angkop na gulang para sa antas nakinabibilangan at mas marami ang bilang ng kababaihan kaysa sa mga kalalakihan. Batay naman sa hanapbuhay ng mga magulang, karamihan sa ama ng mga tagatugon ay may hanapbuhay na pagsasaka. Samantalang, karamihan naman sa ina ng mga tagatugon ay isang may bahay. Sakabuuan, nag papakita na karamihan sa ama at ina ng mga tagatugon ay nakapag-aral ng Sekundarya. Sakabuuan, ipinapakita na karamihan sa mga tagatugon ay iskolar ng gobyerno. Batay sa ginawang sarvey mula sa sampung (10) pangganyak na binigyang preperensya ng mga mag-aaral, ang pangganyak na desisyon ng mga magulang ang siyang nasa unang ranggo. Pinapakita din na hindi naging basehan ang impluwensya ng teknolohiya sa pagpili ng kurso sa kolehiyo ng mga mag-aaral.
Keywords
Pangganyak ng mga mag-aaral Pagpili ng kursong BSED-Filipino Asignaturang Filipino Preperensya sa pangganyakSubject
Recommended Citation
Gardose, M.R.D., Lapso, J.M.F., Lema, J.T., Llantino, R.I. & Mandre, C.O.(2017). Mga preperensya sa mga pangganyak ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong BSED-Filipino [Undergraduate thesis, Capiz State University Burias Campus]. CAPSU Institutional Repository.
Type
ThesisDegree Discipline
FilipinoDegree Name
Bachelor of Secondary Education Major in FilipinoDegree Level
UndergraduateDepartment
College of EducationCollections
- Undergraduate Theses [441]